Home ENTERTAINMENT Carla, aminadong walang silbi sa kusina!

Carla, aminadong walang silbi sa kusina!

31
0

Manila, Philippines – Guilty!

Si Carla Abellana na rin ang umaming isinilang siyang walang silbi sa kusina.

Meaning, hindi siya marunong magluto.

Nabisto ito sa ipinost niya sa kanyang social media account.

Isang quote card ‘yon na nakasabit sa isang pribadong sasakyan.

The quote card reads: “Ang babaeng hindi marunong magluto ay dapat maghanap ng lalaking hindi marunong kumain!”

Obyus na sapul si Carla!

Tuloy, ang sumunod na post niya ay: “Nagising ako sa quote card kesa sa iniinom kong kape!”

For sure naman, ang kawalan ng cooking skills ni Carla was never the reason why she and Tom Rodriguez broke up, ‘no!

Besides, isang malaking isyu ba kung ang isang babae’y hindi marunong magluto?

Ano’ng ginagawa ng mga resto o fastfood kung saan puwedeng umorder?

Malay naman natin, baka sa ibang household chores maaasahan si Carla?

And for sure naman, keri ni Carla ang mga simpleng luto kung prito’t nilaga o sinigang lang naman.

Nagkataon lang na hindi kinahiligan ng Kapuso actress ang pagluluto.

At siguro naman ay walang reklamo sa cooking skills ni Carla ang asawa niyang si Dr. Reginald Santos, isang non-showbiz doctor at dating high school sweetheart niya.

FYI ay nagpakasal sila noong December 27, 2025 sa isang private ceremony. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here