Home HOME BANNER STORY PNP: Mga kaso inihahanda kaugnay ng Senate shooting; pag-‘eskapo’ ni Sen. Bato,...

PNP: Mga kaso inihahanda kaugnay ng Senate shooting; pag-‘eskapo’ ni Sen. Bato, ipauubaya sa DOJ

83
0

MANILA, Philippines – Ayon sa ulat, sinabi ng Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na may mga kasong inihahanda kaugnay ng insidente ng pamamaril sa Senado at ang umano’y pag-alis o “escape” ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa mula sa Senado, ay sa Department of Justice (DOJ) na ang pinal na imbestigasyon.

Ayon kay CIDG chief Maj. Gen. Robert Morico II, magkaugnay ang dalawang insidente—ang pamamaril sa loob ng Senado at ang pag-alis ni Dela Rosa ilang oras matapos ito—ngunit nilinaw niyang hiwalay pa ring iniimbestigahan ang mga kaso at hindi pa ito pinal na konklusyon.

May mga indibidwal ding iniimbestigahan, kabilang ang ilang personalidad na umano’y tumulong o maaaring may kinalaman sa pag-alis ni Dela Rosa, at posibleng maharap sa kasong obstruction of justice sa ilalim ng Presidential Decree 1829.

Nauna nang lumabas sa mga ulat na may insidente ng pamamaril sa Senado noong Mayo 13, 2026, at sumunod dito ang pag-alis ni Dela Rosa sa Senado bandang madaling araw ng Mayo 14.

Sinabi rin ng CIDG na patuloy ang pag-aaral ng ebidensya at ipinasa na sa DOJ ang kaso upang matukoy kung may pananagutang kriminal ang mga sangkot at kung sino ang dapat sampahan ng kaso. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here