Home NATIONWIDE Pagpapailaw ng laser sa eroplano, ibinabala ng CAAP

Pagpapailaw ng laser sa eroplano, ibinabala ng CAAP

63
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtutok o pagpapailaw ng laser at iba pang matinding ilaw sa mga eroplano.

Ayon sa CAAP, ang ganitong gawain ay maaaring makasagabal o makabulag sa mga piloto, lalo na sa kritikal na bahagi ng paglipad tulad ng takeoff at landing, at maaaring magdulot ng panganib sa kaligtasan ng eroplano at mga pasahero.

Sinabi ng ahensya na ang paglabag dito ay may kaukulang parusa sa ilalim ng Republic Act No. 9497 o Civil Aviation Authority Act of 2008. Maaaring makulong ng hanggang tatlong (3) taon ang lalabag o pagmultahin ng halagang hindi bababa sa ₱50,000 at maaaring umabot hanggang ₱500,000, o pareho, depende sa hatol ng korte.

Ipinunto rin ng CAAP na ang paglalagay o pagtutok ng laser sa eroplano ay itinuturing na interference sa ligtas na paglipad at mahigpit itong ipinagbabawal sa mga lugar malapit sa paliparan at flight paths. RNT/MND