MANILA, Philippines – Pinalalakas ng Philippine National Police (PNP) ang mga police patrol sa mga shopping area, transport hubs, at matataong lugar bilang paghahanda sa pagbubukas ng bagong school year sa Hunyo 2026.
Ayon sa PNP, layunin ng hakbang na ito na matiyak ang kaligtasan ng publiko, lalo na ng mga estudyante at magulang na madalas pumunta sa mga mall at commercial centers para sa pamimili ng school supplies at iba pang pangangailangan.
Magpapakalat din ng mga pulis sa mga lugar na may maraming tao upang maiwasan ang mga krimen tulad ng pagnanakaw, panlilinlang, at iba pang street crimes, lalo na sa mga panahong siksikan.
Nakikipag-ugnayan din ang PNP sa mga mall operators, barangay officials, at local government units para sa mas maayos na pagpapatupad ng seguridad at mabilis na responde sa mga insidente.
Ayon sa ahensya, bahagi ito ng mas malawak na Oplan Balik Eskwela at school opening security measures na ipinatutupad sa buong bansa upang maging ligtas ang pagbabalik-eskwela ng mga estudyante. RNT/MND