Home NATIONWIDE Trabaho sa Kamara, tuloy kahit may impeachment – solon

Trabaho sa Kamara, tuloy kahit may impeachment – solon

56
0

Manila Philippines – Tiniyak ng ilang mambabatas na hindi maaapektuhan ang paggawa at trabaho ng mga kongresista sa gitna ng magaganap na pagdinig sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Siguro ni House Committee on Higher and Technical Education Chairman Jude A. Acidre na hindi pababayaan ng Malaking Kapulungan ang legislative work nito habang abala sa impeachment trial.

“I know that the country is facing so many challenges at the moment…Alam natin na maraming problem ang bansa natin, at hindi po naman nagkukulang ang Kongreso.”

Banggit ng kongresista na kabilang dito ang pagkakapasa sa panukalang Kalinga Act na pangunahing inihain nina House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III at  Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos.

“We’ve just voted on Kalinga Bill that would present the overall response to the ongoing crisis and for every crisis na puwede nating kaharapin bilang bansa. We’ve made sure that we have a strong legislative action framework on how to respond to emergencies,” ayon kay Acidre.

Katunayan lamang aniya nito na tuloy ang trabaho sa Kamara at desidido ang mga mambabatas na papanagutin diumano si Duterte batay sa mga inihaing Articles of Impeachment sa Senado.

“Eto po ay nagpapakita na ang Kongreso ay hindi lang po tayo nakatutok sa mas maingay na aspeto ng kalagayan ng bansa natin katulad ng impeachment, pero hindi po natin napapabayaan din ang kabuuang tungkulin natin na maglingkod sa bayan. I think (this) is a good indication of how the House of Representatives takes seriously its role not only in the impeachment trial but also in the overall task of governance,” dagdag pa ng kongresista.

Dahil dito kailangan aniyang gawin at parehong bigyan ng atensyon ang mga gampanin ng mga mambabatas.

“Parehong kailangang gawin, parehong kailangang bigyan ng atensyon, bigyan ng effort kasi in the end, ang taong bayan din naman ang kailangan nating i-fulfill ang obligasyon natin sa kanila. In the scale of things, naniniwala tayo na ang accountability is very essential to the quality of governance that we have in the country. Kung hindi natin kayang panagutin ang mga nasa kapangyarihan, eh magiging mahirap na mapapanagot namin sa quality of governance, sa delivery of service.”

Ngunit aminado si Acidre na ang impeachment ay politikal ngunit maaari aniyang “put in the context of overall governance.”

“Kasi, mahalagang may pananagutan ang mga nasa paglilingkod bayan. Hindi lang natin puwedeng ibalewala itong mga akusasyon, itong mga reklamo, itong mga ebidensiya na naipakita dahil lang sa kalagayan ng politika natin,” giit pa ng kongresista. (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here