Home NATIONWIDE “Hostile home” kinilala bilang sapat na dahilan para sa legal separation –...

“Hostile home” kinilala bilang sapat na dahilan para sa legal separation – SC

72
0

MANILA, Philippines – Kinatigan ng Korte Suprema ang legal separation ng isang mister matapos patunayan na ang paulit-ulit na emotional at psychological abuse ng kanyang asawa ay sapat na batayan para wakasan ang bisa ng kasal.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Antonio T. Kho Jr., sinabi ng Second Division ng Korte Suprema na maituturing na “grossly abusive conduct” ang mga kilos na lumilikha ng mapang-abuso, nakakatakot, at hindi ligtas na kapaligiran sa tahanan — kahit walang pisikal na pananakit.

Nag-ugat ang kaso ng mag-asawa na ikinasal noong 2003 at nagkaroon ng dalawang anak.

Ayon sa mister, kontrolado ng asawa ang pera nila, tinanggihan siyang tulungan sa medical expenses, pinahiya sa harap ng pamilya at kaibigan, binawalan makipagkaibigan, tumangging magpa-counseling, at ginamit pa ang mga anak para pilitin siyang magbigay ng dagdag na suporta.

Una nang pinagbigyan ng Regional Trial Court ang petisyon para sa legal separation ngunit binaligtad ito ng Court of Appeals sa pagsasabing karaniwang alitan lamang ng mag-asawa ang mga naturang insidente.

Gayunman, sinabi ng Korte Suprema na ang pinagsama-samang mga kilos ng asawa ay lumikha ng hostile at intimidating environment para sa mister na sapat upang maituring na grossly abusive conduct at maging batayan ng legal separation.

Dahil dito, ibinalik ng Mataas na Hukuman ang kaso sa Regional Trial Court para sa paghahati ng ari-arian ng mag-asawa at pagresolba sa usapin ng kustodiya at suporta sa kanilang mga anak.

Sa hiwalay na opinyon, sinabi ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen na ang ilang mapang-abusong kilos ay maaaring maging sapat na batayan para sa legal separation kahit hindi ito umabot sa antas ng psychological incapacity. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here