Home METRO Pasahero nanipa ng bagitong pulis, swak sa hoyo

Pasahero nanipa ng bagitong pulis, swak sa hoyo

91
0

MANILA, Philippines – Swak sa hoyo ang isang pasahero ng motor ng motorcycle taxi makaraang tadyakan nito ang bagitong pulis na nanita sa rider na kanyang sinakyan sa Valenzuela City.

Sa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talent, Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, nasampahan ng kasong Direct Assault at Illegal Possession of Dangerous Drug ang suspek na si alyas “Jo”, 34, ng Brgy. Bayugo, Meycauayan, Bulacan habang magsisilbing testigo laban sa kanya ang Joyride rider na si alyas “Arnold”, 42.

Ayon kay Col. Talento, nagsasagawa ng checkpoint sa kanto ng MacArthur Highway at C. Santiago St. Brgy. Dalandanan sina Valenzuela Police Sub-Station-6 Commander P/Capt. Ronald Malana nang parahin nila ang rider na si ‘Arnold’, sakay ang pasaherong suspek, upang isailalim sa beripikasyon, dakong alas-3:30 ng madaling araw.

Habang pinatatabi ni Pat. Bryan Cardenas ang dalawa, biglang sinipa ni alyas Jo ang pulis na nawalan ng balanse at bumagsak sa kalsada kaya kaagad sinunggaban ni P/SSg Rommel De Robles ang suspek.

Nang kapkapan ng mga pulis ang suspek, nakuha sa kanya ang isang plastic sachet na naglalaman ng limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000 at P300 cash. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here