Home NATIONWIDE Visayas grid, isinailalim muli sa yellow alert

Visayas grid, isinailalim muli sa yellow alert

130
0

MANILA, Philippines – Isinailalim sa yellow alert ang Visayas Grid ngayong Lunes, Hunyo 1, 2026, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente kumpara sa inaasahang demand.

Ayon sa ulat, ang yellow alert ay inilalabas kapag hindi sapat ang operating margin ng kuryente upang matugunan ang kinakailangang reserba ng sistema. Ibig sabihin, manipis ang suplay at maaaring magkaroon ng problema sa supply kung tataas pa ang demand o may biglaang pagkawala ng planta.

Ang hakbang ay kaugnay pa rin ng patuloy na forced outages at limitadong kapasidad ng ilang power plants sa Visayas, na matagal nang nakaaapekto sa grid.

Nagpapaalala ang NGCP na bagama’t hindi pa ito red alert, dapat pa ring magtipid sa kuryente upang maiwasan ang posibleng rotational brownout lalo na sa oras ng mataas na demand.

Patuloy na mino-monitor ng grid operator ang sitwasyon at maaaring magbago ang alert status depende sa supply at konsumo ng kuryente sa rehiyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here