Home NATIONWIDE Final tranche ng P35 minimum wage increase ipinatupad sa Eastern Visayas

Final tranche ng P35 minimum wage increase ipinatupad sa Eastern Visayas

22
0

MANILA, Philippines – Naipatupad na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)-VIII ang ikalawa at huling tranche ng minimum wage increase para sa lahat ng minimum wage earners sa pribadong sektor sa Eastern Visayas ngayong Lunes, Hunyo 1.

Ang wage increase ay kukumpleto sa Wage Order No. RBVIII-25, na inaprubahan noong Nobyembre 10, 2025 at ipinatupad sa dalawang stage upang mapahupa ang epekto nito sa mga employer.

Ipinatupad ang unang tranche na P17 increase noong Disyembre 8, 2025 na sinundan ng P18 sa pinakahuling adjustment.

Sa full implementation ngayong Lunes, ang mga manggagawa ay makatatanggap ng total daily increase na P35 at nagdala sa bagong daily minimum wage na P470 para sa non-agriculture workers at mga empleyado sa service at retail establishments na may mahigit 10 empleyado.

Samantala, ang mga manggagawa sa maliliit na establisyimento, cottage at handicraft industries, at agriculture sector ay makatatanggap ng P440 kada araw.

Nanawagan ang RTWPB VIII sa mga employer na sumunod sa bagong wage rates. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here