Home NATIONWIDE Pang-aabuso sa mga kabataan idineklarang public health crisis ng DOH

Pang-aabuso sa mga kabataan idineklarang public health crisis ng DOH

22
0

MANILA, Philippines – Nakikipagtulungan ang DOH sa malawakang pagkilos ng mga gobyerno sa mundo para mailigtas ang mga kabataan sa iba’t ibang uri ng karahasan.

Sa World Health Assembly, kaisa ng Pilipinas ang Childlight Global Child Safety Institute, Iceland, Costa Rica, at Child Protection Network para kilalanin na ang violence against children ay isang health crisis.

Kasama rin ang WHO sa panawagang higpitan ang regulasyon sa social media dahil marami nang kabataan ang nasawi dahil sa online violence

Binigyang-diin ng Pilipinas sa dayalogo ng mga bansa na walang puwang ang karahasan sa kalusugan dahil hindi maitatago ang epekto nito sa katawan at kaisipan ng kahit na sino.

Ibinahagi ni Sec. Ted Herbosa na naranasan niya bilang isang doktor na gumamot ng mga batang itinakbo sa ospital dahil sa mga sugat na tinamo mula sa pang-aabuso.

Aniya, isinama ng Pilipinas sa health system nito ang pagrereport at pagsampa ng kaso kaugnay sa pang-aabuso.

Malaki ang naiambag ni Dr. Bernadette Madrid para mabuo ang Child Protection Unit o Women and Children Protection Unit sa mga ospital sa Pilipinas.

Pinalalakas din sa Pilipinas ang Child Protection sa Pediatric residency program at Women and Child Protection in OBGyne residency training program.

Ang mga hakbang na ito ay alinsunod sa Philippine Plan of Action to End Violence Against Children, dahil ang karahasan at pagkitil sa buhay ay isang krimen na hindi kailanman tatanggapin ng medisina at prinsipyong makatao at makabayan.

Sa Nobyembre, magpupulong sa Pilipinas ang mga health leader ng iba’t ibang bansa para talakayin ang mga susunod na hakbang para mawakasan ang pang-aabuso at karahasan sa mga kabataan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here