Home NATIONWIDE PH, Vietnam sanib-pwersa vs cybercrimes

PH, Vietnam sanib-pwersa vs cybercrimes

30
0

MANILA, Philippines – SANIB-PUWERSA ang Pilipinas at Vietnam laban sa cyber-enabled crimes, internet fraud, human trafficking, at illegal online operations habang mas pinalalim pa ng dalawang bansa ang kanilang partnership sa digital age.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siya at si Vietnamese President Tô Lâm ay “recognized the urgent need for a unified front against severe cross-border threats such as internet fraud, human trafficking, illegal gambling, and people smuggling. “

Nauna rito, nagpulong sina Pangulong Marcos at Lâm sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes, sa panahon ng historic two-day state visit ni Tô Lâm sa Maynila, idinaos bago pa ang 50th anniversary ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam, na gugunitain ngayong Hulyo.

“We have agreed to address these challenges decisively through accelerated intelligence sharing and coordinated law enforcement actions,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ang commitment ay may kaakibat na paglagda ng bagong memorandum of agreement pagdating sa information technology and digital transformation agreement sa pagitan ng dalawang gobyerno.

Maliban sa cybersecurity, saklaw ng kasunduan ang digital inclusion, e-governance, at emerging technologies.

Ang kasunduan ay nilagdaan ng Department of Information and Communications Technology at Vietnam’s Ministry of Science and Technology.

Samantala, isiniwalat din ni Pangulong Marcos ang mga plano para sa joint initiatives sa animation at game development, nakikita naman ito ng mga sektor bilang major growth areas para sa mga kabataan at technology-savvy workforces ng dalawang bansa. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here