Home NATIONWIDE Bantay Senado inilunsad para magbantay sa impeachment trial ni VP Sara

Bantay Senado inilunsad para magbantay sa impeachment trial ni VP Sara

23
0
Ang Bantay Senado—isang non-partisan monitoring network na binubuo ng 350 miyembro mula sa mga estudyante, abogado, at civil society groups—ay pormal na inilunsad ngayong araw, Hunyo 1, sa De La Salle University sa Maynila upang subaybayan ang transparency, fairness, at pagsunod sa Konstitusyon sa darating na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Eric Ocapan

MANILA, Philippines – Inilunsad ngayong araw, Hunyo 1, sa De La Salle University sa Maynila ang Bantay Senado, isang non-partisan citizens monitoring network na binubuo ng volunteers mula sa hanay ng mga estudyante, young professionals, academe, abogado at ibat-ibang civil society organizations na layong subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa grupo, layon nitong bantayan ang buong proseso ng paglilitis na nakabatay sa ebidensya, batas, patas at walang kinikilingan at naayon sa Konstitusyon.

Bahagi ng kanilang programa ang pagsasagawa ng town hall discussions, online information campaigns at community watch events upang mas maintindihan ng publiko ang takbo ng paglilitis.

Bukod dito, magkakaroon din ng live public scorecard para bantayan ng publiko ang pagganap ng mga senator-judges sa panahon ng paglilitis.

Panawagan ng Bantay Senado sa mga senador, pairalin ang kanilang tungkulin bilang mga hukom, na timbangin ang ebidensya at magpasya batay sa batas hindi sa pulitika o personal na ugnayan.

Giit pa ng grupo, wala silang kinikilingan na panig sa usapin ng pagkakasala o kawalang-sala ng bise presidente at nakatuon lamang sa pagsubaybay sa proseso ng impeachment trial. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here