Home ENTERTAINMENT Enrique, may pinopormahang courtside reporter?

Enrique, may pinopormahang courtside reporter?

34
0

Manila, Philippines – Nakakaloka ang mga kaganapan ngayon sa Pinoy showbizlandia.

Pagkatapos ng hiwalayan ni Liza Soberano at ni

Enrique Gil, nali-link naman ang huli sa rumored dyowa niyang si Andrea Brown.

Ito ay kahit wala pa namang inaamin si Enrique hinggil sa kanyang bagong inspirasyon na nagpapasaya sa kanya.

Pero wait, there’s more.

May bagong twist na iniisyu ng mga katikatera at sawsawera sa chika.

Naispluk kasi ng isang katikatera na may bagong pina-follow sa Instagram ang aktor.

At mutual pa ang admiration at pag-follow nila sa kanilang respective social media accounts.

Ito ay walang iba kundi ang kontrobersyal na PBA courtside reporter at social media personality na si Apple David na diumano’y nakukuyog o naba-bash for dating NCAA player Chad Gammad na mas bata sa kanya.

Dahil sa development na ito, nagkaroon tuloy ng espekulasyon na may bagong prospect si Enrique.

Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng mga tsismosang kapitbahay sa nasabing kontrobersya.

“Ay bagay sila.”

“Oo nga, pareho nilang bet ang mas bata sa kanila.”

“What’s wrong with following each other sa social media? Wag namang bigyan ng malisya.”

“Malay mo. Sila ang meant to be.”

“Enrique’s new APPLE of the eye.”

“May bagong prospect si Quenito.”

“In fairness, they have something in common. Bet nila iyong magpapabata sa kanila.”

“Groomers’ tales.”

“Paano na si Andrea B?” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here