Home NATIONWIDE Walang nanalo sa Grand Lotto at Mega Lotto jackpot ng PCSO

Walang nanalo sa Grand Lotto at Mega Lotto jackpot ng PCSO

18
0

MANILA, Philippines – Walang nakasungkit ng jackpot prize sa mga pangunahing lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office nitong Lunes ng gabi.

Nanatiling walang nanalo sa Mega Lotto 6/45 jackpot na nagkakahalaga ng P36.12 milyon matapos walang makatama sa winning combination na 28-38-41-35-40-05.

Hindi rin napanalunan ang P45 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 matapos walang tumama sa winning numbers na 36-04-09-44-42-24.

Isinasagawa ang Mega Lotto 6/45 draws tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, habang tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado naman ang Grand Lotto 6/55 draws. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here