Home NATIONWIDE Nagpakalat ng pekeng SC ruling sa pag-aresto kay Bato, pinakakasuhan ng PCO

Nagpakalat ng pekeng SC ruling sa pag-aresto kay Bato, pinakakasuhan ng PCO

18
0

MANILA, Philippines – HINILING ng Presidential Communications Office (PCO) sa Department of Justice (DOJ) na suriing mabuti at maghain ng kaukulang kaso laban sa apat na Facebook accounts para sa diumano’y pagpapakalat ng pekeng pahayag na ipinatigil ng Korte Suprema ang pag-aresto kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Sinabi ng Anti-Fake News Desk (AFND) ng PCO na ang post ay malinaw na maling pagpapahayag na ang Korte Suprema ay may kautusan na pinipigilan ang mga awtoridad mula sa pag-aresto o pagsuko kay Dela Rosa sa International Criminal Court (ICC).

“The Supreme Court, in fact, denied Senator Dela Rosa’s petition for a temporary restraining order to stop his arrest on the basis of a warrant issued by the International Criminal Court (ICC),” ang sinabi ng AFND sa narrative report nito na isinumite sa DOJ, araw ng Lunes.

Sakop ng pag-endorso ang Facebook accounts at pages na kinilala bilang KaChizmaze, Booc TVs, Cris Lademora, at Lenny Quirz/Linie Quirong.

Ayon sa PCO, naka-post sa mga accounts ang magkakaparehong nilalaman na ang Korte Suprema ay “officially stopped” ang anumang pagtatangka na arestuhin si Dela Rosa, pinalalabas na ang impormasyon ay lehitimong balita sa pamamagitan ng mga parirala (phrases) gaya ng “JUST IN,” “Breaking News,” “landmark ruling,” at “The Court clearly stated.”

Sinabi ng PCO na ang mga post ay nakahamig ng libo-libong reaksyon, komento, at shares, na may ilang social media users na nagtatanong kung ang mga post ay totoo habang ang iba naman ay nananawagan na itigil ang pag-aresto sa senador.

Tinuran pa ng PCO na ang usaping ito ay idinulog na sa DOJ para sa posibleng paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act (RA) 10951, may kaugnayan sa Section 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Samantala, muli namang inulit ni PCO Secretary Dave Gomez ang kampanya ng administrasyon laban sa disinformation at ang babala sa mga content creator laban sa pag-imbento ng court decisions at pagpapakita nito bilang factual reports.

“We warn vloggers and users of social media platforms: do not exploit public confusion for views, engagement, or monetization by spreading false news. Fabricating a Supreme Court ruling and presenting it as news is a serious offense,” ang diing pahayag ni Gomez. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here