Home NATIONWIDE Partial ceasefire sa pagitan ng Israel, Hezbollah inanunsyo ng Lebanon

Partial ceasefire sa pagitan ng Israel, Hezbollah inanunsyo ng Lebanon

19
0

LEBANON – Inanunsyo ng Lebanon ang isang partial ceasefire sa pagitan ng Israel at Hezbollah bilang hakbang para mabawasan ang tensyon sa nagpapatuloy na digmaan sa rehiyon.

Sa ilalim ng kasunduan, hindi muna magsasagawa ng pag-atake ang Israel sa Beirut at mga karatig-lugar na kontrolado ng Hezbollah, habang ititigil naman ng grupong suportado ng Iran ang mga pag-atake nito laban sa Israel.

Gayunman, nilinaw ng Lebanon na hindi pa nito tuluyang tinatapos ang sigalot sa bansa.

Nauna nang inanunsyo ni US President Donald Trump ang kasunduan at sinabing nangako umano ang Hezbollah sa pamamagitan ng intermediaries na hindi aatake sa Israel.

Ayon naman kay Trump, pumayag si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na huwag munang umatake sa Beirut.

Subalit sinabi ni Netanyahu na magpapatuloy pa rin ang operasyon militar ng Israel sa southern Lebanon.

Patuloy rin ang bakbakan sa timog Lebanon at iniulat ng Israeli military na nakasagupa pa nila ang dalawang projectile na nagmula umano sa Lebanon nitong Martes.

Samantala, sinabi ng Lebanon na magsasagawa pa ng karagdagang pag-uusap sa Washington upang mapalawak ang ceasefire.

Kaugnay nito, iginiit ng Iran na ang anumang tigil-putukan sa pagitan nila at ng Estados Unidos ay dapat saklaw din ang Lebanon.

Dahil sa tumitinding tensyon sa rehiyon, nagtaasan ng 4% ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here