Home ENTERTAINMENT Dating news anchor, tinawag na ‘mangmang’ si Robin?

Dating news anchor, tinawag na ‘mangmang’ si Robin?

2
0

Manila, Philippines – Naging trending topic sa social media ang obyus namang patutsada ng dating ABS-CBN news anchor na si Christian Esguerra patungkol kay Sen. Robin Padilla.

Umani ng reaksyon ang banat ng actor-senator tungkol sa “force majeure.”

This sparked Christian’s Facebook post.

Aniya sa art card: “Pag bumabagyo ba ng kamangmangan sa Senado, force majeure din?”

Ito’y makaraang magkaroon ng mainitang mosyon ng Senate majority bloc na baguhin ang Senate rules.

May kinalaman ito sa pisikal na pagdalo at pagboto ng mga mambabatas, kung may mahalagang usaping dapat desisyunan.

Led by Sen. Rodante Marcoleta, nais ng bloc na payagan ang pagdalo ng mga senador via “remote arrangement.”

Mariin naman itong tinutulan ng minorya dahil wala namang force majeure.

Sa kanyang FB page, binanggit ni Robin ang mga halimbawa nito tulad ng war/giyera/digmaan sa Middle East, ang napipintong pagkakadawit ng Pilipinas sa China-Taiwan conflict.

Hirit ni Robin, hindi pa raw ba force majeure ito?

Binanatan naman siya ng mga netizens sa maling pagkakaintindi ng actor-solon. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here