Home NATIONWIDE Cayetano, nagbiro bilang unifier ng lahat ng kulay sa pulitika: ‘Lahat sila...

Cayetano, nagbiro bilang unifier ng lahat ng kulay sa pulitika: ‘Lahat sila Marcos na’

2
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng malaking paniniwala si Senate President Alan Peter Cayetano na naging “unfier” siya ng lahat ng kulay ng pulitika sa bansa simula nang umupo bilang lider ng Senado matapos maagaw ng majority kay dating Senate President Vicente Sotto III.

Sa press conference pagkatapos ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee hinggil sa 18 dating sundalo na naghahatid ng male-maletang pera ng kickback sa flood control funds, sinabi ni Cayetano na walang katotohanan ang paratang na winawasak nito ang bansa.

“Actually, ano eh, sabi nila kapag si Alan Cayetano, hindi unifier, di ba? Hindi totoo yun, ha? Kita mo lahat sila, Marcos na rin eh. Nagkaisa sila doon. Nagpagkaisa ko sila doon. Yung kaliwa, yung mga dilaw, yung mga pink, yung mga dating aktibista, yung mga dito, kampi-kampi na ngayon sila sa Malacanang. So, napagkaisa ko sila. So, hindi totoo na hindi ako unifier,” ayon kay Cayetano.

“Thank you. First time ako napalapakan ng media, walang bayad yun,” dagdag ng lider ng Senado.

Tugon ito ni Cayetano sa magkakahiwalay na pahayag ng Palasyo at Mababang Kapulungan na kumikilala sa liderato ni acting Senate President Sherwin Gatchalian na iniluklok ng “simple majority” ng 12 miyembro ng minorya kasama si Senador Francis “Chiz” Escudero.

Ayon kay Cayetano, tatlong libro ang kanyang ginagamit at pinaghuhugutan ng lakas upang ipagpatuloy ang pamumuno sa Senado kahit kinilala ng Sangay ng Ekhekutibo at Mababang Kapulungan ang paghirang kay Gatchalian bilang acting Senate president pro-tempore.

“Three books, three books. The Rules of the Senate. The Philippine Constitution, and mawalang galang sa mga hindi natin ka religion na mga Christian, the Bible. Do we follow power or do we follow these three books? And yung pagsunod ng House of Representatives at saka ng Malacanang, obvious na play nila yun. Di ba?,” ayon kay Cayetano.

Kasabay nito, sinabi ni Cayetano na bibigyan nya ng sapat na panahon ang lahat ng opisyal at empleyado ng Senado na pag-isipan ang sitwasyon dahil hindi naman madali sa kanila ang sitwasyon at kabuhayan ang nakataya dito.

“So yung mga empleyado, give them time over the weekend pag-isipan, pero hindi madali sa kanila kasi livelihood nila at career nila at stake. At alam mo naman ang mga Pilipino, we have a notion of utang na loob,” ayon kay Cayetano. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here