Home ENTERTAINMENT Anak ni Jinggoy, inokray ng netizens!

Anak ni Jinggoy, inokray ng netizens!

2
0

Manila, Philippines – Nagitgit, napasigaw.

Ito ang eksena nang magpunta sa Sandiganbayan Second Division Clerk of Court si Sen. Jinggoy Estrada para mag-post ng bail sa kasong plunder at graft na kinakaharap.

Napatili at umiyak ang mga anak nitong si dating San Juan City Vice Mayor Janella Marie Ejercito at bunsong anak na si Julienne.

Nagitgit kasi sila ng media na gustong maka-interview sa kanila.

It happened as they stepped out of the elevator ng mismong palapag ng tanggapan.

Kasama rin ni Jinggoy ang maybahay niyang si Precy.

Nag-aabang ang media na “iluwa” ng elevator si Jinggoy, at doon na nangyari ang gitgitan.

Alisto naman ang security personnel para makadaan ang pamilya Ejercito.

Masikip lang talaga ang entrada, kaya hindi maiwasang magkaroon din ng tulakan.

“Ano ba?” maririnig nq sigaw ni Janella.

Niyakap naman ni Precy si Julienne.

Narito ang ilan sa mga comments ng netizens: “Hahaha! Para ‘yan lang? Araw-araw naming

kinakaharap ‘yan sa biyahe. Pwe!”

“Nakakaawa, ‘di ba? Samantalang ang mga Pilipino, araw-araw naiipit sa traffic. Marami na ring nalunod sa baha kahit konting ulan lang.

Samantalang sila, ilang dekadang nagpasarap sa pera ng mga naiipit sa traffic at nalulunod sa baha!”

“Naks! Parang sila pa ang inaapi ngayon!”

“OA! Kung kami ngang mananakay ng jeep, nagkakaipitan at halos magkapalitan pa na mukha, okey lang!”

“Try mo mag-MRT o LRT. Arte pa! Hahaha!”

“Pag nahahagip ng camera, may paiyak at sigaw agad! Grabe…OA!”

Sana daw ay hindi na lang isinama ang magkapatid.

Ayan tuloy. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here