Home NATIONWIDE Win, kaalyadong 10 senador ka-meeting ng Malakanyang – Cayetano

Win, kaalyadong 10 senador ka-meeting ng Malakanyang – Cayetano

4
0

MANILA, Philippines — Iniuugnay ni Senador Alan Peter Cayetano sa Malacañang ang 11 senador na kaalyado ni Senador Sherwin Gatchalian matapos ang naging kaganapan sa Senado noong Miyerkules.

Sa isang press conference matapos ang pagdinig kaugnay ng kontrobersiya sa flood control projects, sinabi ni Cayetano na madalas umanong nakikipagpulong sa Malacañang ang 11 senador at iginiit na koordinado ang nangyari sa Senado.

“Sen. Jinggoy Estrada told the Senate media ‘di ba, at the right time, susunod na kabanata, ilalabas sa inyo yung ebidensya ng mga tumatawag sa kanya,” ani Cayetano.

“At least tatlo o baka apat silang tinawagan. Itong 11 nagme-meeting ‘to with Malacañang. Itong kahapon na nangyari, coordinated ‘yan,” dagdag niya.

Iginiit din ni Cayetano na siya pa rin ang lehitimong Senate President dahil wala pa umanong ika-13 senador na sumusuporta sa kampo nina Gatchalian upang makapili ng bagong lider ng Senado.

Noong Miyerkules, nagsagawa ng sesyon sina Gatchalian at 11 iba pang senador matapos hindi dumalo sa mga sesyon noong Lunes at Martes ang mga kaalyado ni Cayetano. Dumalo si Senador Francis Escudero bilang ika-12 miyembro at itinuloy ng grupo ang sesyon, na anila’y nakabatay sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong Avelino v. Cuenco upang patunayang may quorum sila.

Samantala, sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na wala siyang impormasyon kaugnay sa alegasyon ni Cayetano na may mga pagpupulong sa Malacañang ang 11 senador.

“Wala kaming natanggap na impormasyon,” ayon kay Castro.

Pinayuhan din ni Cayetano ang Malacañang na hintayin munang makakuha ng ika-13 senador ang kabilang kampo bago magpatawag ng special session ng Kongreso upang maresolba ang usapin sa liderato ng Senado.

“So Malacañang, iyon lang advice ko sa inyo, hintayin ninyo na makatrese, tawagin ninyo special session. Puwede siguro tayo magpahiram ng isa para makatrese na sila,” ani Cayetano. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here