MANILA, Philippines – Nabuo bilang isang tropical depression ang low-pressure area (LPA) sa hilagang kanluran ng Batanes ngayong Biyernes, Hunyo 5.
Ito ay tatawaging Tropical Depression Ester na ikalimang bagyo ngayong taon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Dahil dito ay nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes.
Sa huling ulat ay namataan ang sentro ng tropical depression sa layong 225 kilometro kanluran ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 55 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong northeastward sa bilis na 20 kph.
Posibleng makaranas ng malakas na hangin at ulan ang mga residente ng Batanes dahil sa naturang bagyo.
Samantala, pinalakas naman nito ang Habagat na magpapaulan sa kanlurang bahagi ng Luzon. RNT/JGC