Home NATIONWIDE Risa for President sa 2028, sigaw ng Akbayan, Magdalo

Risa for President sa 2028, sigaw ng Akbayan, Magdalo

5
0
larawan ni Cesar Morales

MANILA, Philippines – Naglunsad ng nationwide campaign ang koalisyon ng sectoral organizations para himukin si Senador Risa Hontiveros na tumakbo bilang presidente sa 2028 presidential elections.

Nagtipon ang mga miyembro ng Akbayan, Magdalo, at iba pang grupo sa UP Bahay ng Alumni sa Quezon City para ilunsad ang “Risa Na!” Movement at pormal na iendorso si Hontiveros para sa pagtakbo bilang pangulo.

Sinabi ni Akbayan President Rafaela David na si Hontiveros ay nakabuo ng matibay na legislative track record, kabilang ang Expanded Maternity Leave Law, Expanded Solo Parents Welfare Act, at Mental Health Act.

Ani David, nais ng koalisyon na tumakbo si Hontiveros upang maiwasan ang pagbabalik ng umano’y panahon ng extrajudicial killings at para matugunan ang mga isyu ng korapsyon sa flood control projects.

Ayon kay David, nakipag-usap na umano ang mga lider ng koalisyon kay Hontiveros na naging bukas naman umano sa ideya ng pagtakbo bilang pangulo ngunit iginiit na kailangan pang maghanda at bumuo ng winning coalition bago ang 2028 elections.

Samantala, sinabi naman ni dating Magdalo Party-list Representative Gary Alejano na pinili ng grupo si Hontiveros bilang preferred presidential candidate matapos ang internal selection process.

Naniniwala silang ang mambabatas umano ay may prinsipyo, matapang, malayo sa korapsyon, at nagpakita ng kanyang pagiging lider.

Hinimok ni Alejano ang mga tagasuporta nito na himukin din ang mas marami pang botante na sumuporta kay Hontiveros sa 2028.

Dumalo rin sa paglulunsad ng kampanya si dating Budget Secretary Florencio “Butch” Abad, na miyembro ng Liberal Party. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here