KUWAIT – Naharang ng pwersa ng US ang iba’t ibang ballisic missiles at drone ng Iran patungo sa Strait of Hormuz at Gulf, ayon sa Central Command nitong Biyernes, Hunyo 5.
Nagpakawala ang Iran ng pitong ballistic missiles patungo sa Kuwait at Bahrain ilang oras matapos pabagsakin ng CENTCOM ang apat na Iranian one-way attack drones na inilunsad patungo sa Strait of Hormuz.
Kaugnay nito ay pinatamaan naman ng US forces ang Iranian coastal surveillance radar sites sa Goruk at sa Qeshm Island bilang depensa sa posible pang maritime attacks.
Ayon sa CENTCOM, nakita sa initial assessment na anim sa mga missile na inilunsad ng Iran ay naharang at ang ikapito ay hindi umabot sa target nito. RNT/JGC