Home NATIONWIDE Pagdalas ng brownout sa Luzon, Visayas, pinaiimbestigahan ni Gatchalian

Pagdalas ng brownout sa Luzon, Visayas, pinaiimbestigahan ni Gatchalian

3
0

MANILA, Philippines – Naghain ng resolusyon si Senate President Pro Tempore Win Gatchalian upang paimbestigahan ang nakababahalang dalas ng mga idinedeklarang red at yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), na nagdudulot ng mga serye ng brownout sa Luzon at Visayas.

“Ang mga prediksyon na maaaring lumakas ang El Niño sa huling apat na buwan ng taon hanggang Enero ng susunod na taon ay posibleng magpalala sa kakulangan ng suplay ng kuryente sa bansa,” sabi ni Gatchalian, kasabay ng paghahain ng Proposed Senate Resolution 425.

Binigyang-diin niya na mula Mayo 12 hanggang Mayo 31, isinailalim ang Visayas grid sa red alert sa loob ng 22 interval hours at sa yellow alert sa loob ng 93 interval hours.

Sa parehong panahon, ang Luzon grid naman ay isinailalim sa red alert sa loob ng 27 interval hours at sa yellow alert sa loob ng halos 5.5 interval hours.

Ayon sa senador, kabilang sa tututukan ng imbestigasyon ang pagtukoy sa totoong sitwasyon ng suplay ng kuryente sa bansa, pagtiyak sa katatagan ng grid, pagpapanagot sa mga nagkakasalang stakeholder, pagtiyak na sumusunod ang mga generation companies sa pinakamataas na pamantayan ng industriya, pagbuo ng epektibong interbensyon ng pamahalaan, at ang mahgpit na pagpapatupad ng mga batas sa enerhiya kabilang ang demand-side management sa ilalim ng Energy Efficiency and Conservation Act. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here