Home NATIONWIDE Habagat patuloy magpapa-ulan sa Luzon

Habagat patuloy magpapa-ulan sa Luzon

3
0

MANILA, Philippines – Patuloy na nakaaapekto ang southwest monsoon o habagat sa Northern at Central Luzon ngayong Hunyo 7, ayon sa PAGASA.

Nagdudulot ito ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, at pagkulog at pagkidlat sa ilang lugar.

Makakaranas ang Ilocos Norte at Ilocos Sur ng paminsan-minsang ulan dulot ng habagat. Posible ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Maaari ring makaranas ng maulap na panahon na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Pampanga, Bataan, Tarlac, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, at iba pang bahagi ng Ilocos Region. Nagbabala ang PAGASA na ang malalakas na pag-ulan ay maaari ring magdulot ng pagbaha at landslide.

Samantala, ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms. Posible pa rin ang pagbaha at pagguho ng lupa kapag lumala ang lagay ng panahon.

Ayon sa PAGASA, katamtaman hanggang malakas ang hangin mula timog-kanluran sa Northern at Central Luzon, habang katamtaman hanggang maalon ang karagatan na may taas ng alon na 1.2 hanggang 2.1 metro.

Sa ibang bahagi ng bansa, inaasahan ang mahina hanggang katamtamang hangin mula timog-silangan hanggang timog-kanluran, na may bahagyang hanggang katamtamang pag-alon ng dagat na nasa 0.6 hanggang 1.5 metro.

Sa huling tala ng PAGASA Weather Station sa Science Garden, Quezon City, umabot sa 29.9°C ang pinakamataas na temperatura kahapon dakong 2 p.m., habang 25.3°C naman ang pinakamababang temperatura dakong 5 a.m. ngayon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here