Home HOME BANNER STORY Ombudsman Remulla kay Cayetano sa Senate leadership issue: Maghunos-dili sana siya

Ombudsman Remulla kay Cayetano sa Senate leadership issue: Maghunos-dili sana siya

3
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Ombudsman Jesus Crispin Remulla kay Senator Alan Peter Cayetano na panatilihin ang mahinahong pag-uugali sa gitna ng patuloy na alitan sa pamunuan ng Senado.

“I’d like to appeal to Alan (Cayetano), ayusin niya naman… Maghunos-dili sana siya,” aniya.

Dagdag pa niya, “Lahat naman sila dapat mag-isip,” habang nananawagan sa lahat ng mga senador na pag-isipang mabuti ang sitwasyon.

Sa Senado, 12 senador ang bumoto para kay Senator Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore matapos muling magpulong ang Senado noong June 3. Dahil dito, idineklara ng grupong sumusuporta sa kanya na siya ang acting Senate President.

Ibinatay ni Gatchalian ang kanilang hakbang sa SC ruling sa kasong Avelino v. Cuenco, kung saan sinabi ng Korte Suprema na ang 12 sa 22 senador ay maaaring bumuo ng constitutional majority para sa quorum.

Sa naturang sesyon, naghalal din ng bagong mga committee chairperson, kabilang si Senator Erwin Tulfo bilang bagong chair ng Blue Ribbon Committee, kapalit ni Senator Pia Cayetano.

Gayunman, iginiit ni Cayetano na siya pa rin ang “legitimate, legal, moral Senate President.”

Samantala, nagpatuloy rin ang grupo ni Cayetano sa pagdaraos ng flood control hearing, na tinawag naman ng grupo ni Gatchalian na “bogus.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here