Home NATIONWIDE Palasyo: Walang kumpirmadong banta sa Hunyo 12

Palasyo: Walang kumpirmadong banta sa Hunyo 12

3
0

MANILA, Philippines – Hindi kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro ang ulat na may planong pag-atake umano sa Malacañang Palace sa Hunyo 12, sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, ngunit nanawagan siya sa publiko na maging mapagmatyag laban sa tinawag niyang “forces of darkness.”

Ayon sa kanya, “As of now, we cannot confirm the alleged plan of destabilizers on June 12,” kasunod ng social media post ni veteran journalist Ramon Tulfo na nagsabing may intelligence report ang Philippine National Police tungkol sa posibleng planong pag-atake umano na may kinalaman sa isang religious sect.

Dagdag pa ni Castro, hindi na bago ang ganitong mga ulat at may mga grupong umano’y sumusuporta sa isang political figure na nais mapalitan ang liderato bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028, at tinawag niya ang naturang politiko na “power-hungry.”

“It is within the mandate of law enforcement agencies and investigative bodies to act on these kinds of illegal activities. Let us all be careful of the forces of darkness,” aniya.

Samantala, sinabi ni PNP Public Information Office chief Col. Allen Rae Co na wala silang natatanggap na validated intelligence tungkol sa banta sa Independence Day celebrations sa June 12.

Tiniyak naman ng PNP na fully deployed at handa ang kanilang puwersa para sa seguridad ng selebrasyon sa buong bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here