Home METRO Babae utas sa pamamaril sa labas ng NegOcc district jail

Babae utas sa pamamaril sa labas ng NegOcc district jail

4
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Patay ang isang 41-anyos na babae matapos pagbabarilin ng mga armadong suspek na sakay ng motorsiklo ilang sandali matapos siyang lumabas ng Negros Occidental District Jail sa Barangay Tabunan, Bago City noong Sabado ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima sa pangalang Lowela, residente ng Barangay 2, Manapla.

Ayon sa imbestigasyon, kakalabas lamang ng biktima sa piitan kasama ang dalawa pang kasama at sumakay sa isang nirentahang traysikel nang pagbabarilin siya ng hindi pa nakikilalang salarin bandang 4:08 p.m.

Tinamaan siya ng bala sa kaliwang bahagi ng mukha at agad na nasawi dahil sa tinamong sugat.

Ayon sa mga saksi, dalawang lalaki ang mga suspek na sakay ng itim na motorsiklo. Nakasuot umano sila ng itim na bonnet at walang helmet. Ang isa ay nakasuot ng dilaw-gintong sweatshirt habang ang isa naman ay naka-itim na T-shirt.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa natutukoy na direksyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo sa krimen. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here