Home METRO Binatang tulak ng P1.4M shabu, timbog

Binatang tulak ng P1.4M shabu, timbog

3
0

ISABELA, Philippines – Timbog ang isang binata na tinaguriang High-Value Individual (HVI) matapos makumpiskahan ng mahigit Php1.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Divisoria, Santiago City nitong Hunyo 6.

Sa direktiba ni Acting Regional Director PBGen. Mariano Rodriguez ng Police Regional Office 02 (PR02) sa pinaigting na kampanya sa illegal drugs ay suspek ay kinilalang si alyas “Pascua,” 31-anyos, binata, construction worker, at residente ng Calobcob, Naic, Cavite.

Pinangunahan ng City Intelligence Unit ng Santiago City Police Office ang anti-illegal drug operation katuwang ang Police Station 4 ng SCPO at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Quirino Provincial Office, Regional Office 2, sa koordinasyon ng PDEA RO2.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang self-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 212 gramo at may Standard Drug Price na Php1,441,600 at isang OPPO A5i Android phone.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Rey Velasco)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here