Home NATIONWIDE Mabilis na tulong sa mga apektado ng lindol sa Mindanao, tiniyak ng...

Mabilis na tulong sa mga apektado ng lindol sa Mindanao, tiniyak ng DSWD

3
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian nitong Lunes na mabilis na tumutugon ang ahensya sa pangangailangan ng mga komunidad na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao.

Ginawa ni Gatchalian ang pahayag habang bumibisita sa isang proyekto ng paaralan na may dalawang silid-aralan at isang footbridge sa ilalim ng KALAHI-CIDSS program sa Barangay Pisompongan, Midsalip, kung saan sinuri rin niya ang iba pang proyektong pang-imprastraktura ng komunidad.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang tectonic earthquake alas-7:37 ng umaga. Natukoy ang sentro nito sa karagatang timog-kanluran ng Maasim, malapit sa General Santos City, sa lalim na humigit-kumulang 33 kilometro.

Una itong naitala bilang magnitude 7.0 ngunit kalaunan ay itinaas sa magnitude 7.8.

Naramdaman ang lindol sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao, dahilan upang magsuspinde ng klase ang ilang lokal na pamahalaan at magsagawa ng inspeksyon sa mga paaralan at pampublikong gusali upang matiyak ang kanilang kaligtasan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here