Home HOME BANNER STORY 17 flights kanselado matapos M7.8 lindol sa Sarangani

17 flights kanselado matapos M7.8 lindol sa Sarangani

3
0

MANILA, Philippines – Kinansela ang 17 flights hanggang alas-11 ng umaga nitong Lunes bilang pag-iingat matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Maasim, Sarangani, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sa kabuuan, 11 flights ng Cebu Pacific, 4 flights ng PAL Express, at 2 flights ng Philippine Airlines na may rutang papunta at mula sa General Santos City ang naapektuhan.

Cebu Pacific (11 flights)

  • 5J4843 – Iloilo to General Santos
  • 5J4844 – General Santos to Iloilo
  • 5J998 – General Santos to Manila
  • 5J993 – Manila to General Santos
  • 5J994 – General Santos to Manila
  • 5J995 – Manila to General Santos
  • 5J996 – General Santos to Manila
  • 5J249 – Cebu to General Santos
  • 5J250 – General Santos to Cebu
  • 5J991 – Manila to General Santos
  • 5J992 – General Santos to Manila

PAL Express (4 flights)

  • 2P2357 – Cebu to General Santos
  • 2P2358 – General Santos to Cebu
  • 2P2455 – Manila to General Santos
  • 2P2456 – General Santos to Manila

Philippine Airlines (2 flights)

  • PR453 – Manila to General Santos
  • PR454 – General Santos to Manila

Pansamantala ring sinuspinde ng CAAP ang operasyon ng General Santos International Airport at naglabas ng Notice to Airmen (NOTAM) na epektibo mula alas-8:45 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Ang NOTAM ay isang abiso sa mga piloto at flight operators tungkol sa mga pansamantala o biglaang panganib at pagbabago sa airspace upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahe.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang lindol bilang magnitude 7.0 ngunit kalaunan ay itinaas sa magnitude 7.8. Patuloy pa ring sinusuri ng mga awtoridad ang kalagayan ng paliparan at iba pang imprastraktura sa mga apektadong lugar. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here