Home METRO Barko sumadsad sa karagatan sa Ilocos Norte – PCG

Barko sumadsad sa karagatan sa Ilocos Norte – PCG

3
0

MANILA, Philippines – Mahigpit na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sitwasyon ng cargo vessel na MV MSCI 1, na nagsagawa ng emergency beaching sa karagatang sakop ng Barangay Badoc, Ilocos Norte ngayong araw, June 8, 2026.

Bandang 6:20 ng umaga nang makatanggap ang PCG ng ulat na sumadsad ang barko malapit sa baybayin ng Badoc, Ilocos Norte.

Pagkatanggap ng ulat, agad na nagtungo ang mga tauhan ng PCG sa lugar para magbigay ng tulong at operational support.

Ayon sa paunang impormasyon, may karga ang barko na graba at may sakay na 15 crew member .

 Pagmamay-ari ito ng isang kumpanya na may business address sa Santa Barbara, Pangasinan.

Iniulat ng kapitan ng barko sa PCG na ibababa muna ang mga crew para sa kaligtasan, habang mananatili ang tatlong opisyal sakay para bantayan ang kalagayan ng barko at tiyakin ang seguridad nito.

Ayon kay PCG Spokesperson na si Commodore Noemie Cayabyab, patuloy na binabantayan ng Coast Guard ang kalagayan at galaw ng barko habang nakikipag-ugnayan sa mga kaugnay na ahensya at stakeholders. 

Nagsasagawa na rin ng mga hakbang para maprotektahan ang marine environment at mapadali ang pag-alis o refloating ng barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here