MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang may isa hanggang dalawang bagyo sa buwan ng Hunyo, na maaaring tumama sa Bicol Region o Eastern Visayas bago makaapekto sa Luzon.
Nauna nang dumaan ang Typhoon Ester noong nakaraang linggo, na lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) noong Sabado.
Sinabi rin ng PAGASA na maaari pang magbago ang direksyon ng mga susunod na bagyo.
Sa kasalukuyan, wala pang bagyo na namo-monitor sa loob o labas ng PAR.
Patuloy namang magdadala ng ulan ang Southwest Monsoon (Habagat) sa kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon.
Makakaranas din ng localized thunderstorms sa natitirang bahagi ng bansa, kabilang ang Metro Manila. RNT/MND