Home NATIONWIDE Blue Ribbon meeting, sinuspinde ni Sen. Tulfo dahil sa Mindanao quake

Blue Ribbon meeting, sinuspinde ni Sen. Tulfo dahil sa Mindanao quake

1
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ni Sen. Erwin Tulfo, chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee, noong Lunes ang isang consultative meeting tungkol sa umano’y anomalya sa flood control projects “until further notice” matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.

Pinutol ni Tulfo ang pagpupulong bilang pakikiisa sa mga apektadong komunidad.

“We sympathize with the victims of the earthquake in Mindanao. Tatapusin na muna natin,” aniya.

“We suspend this meeting bilang paggalang sa mga biktima ng matinding lindol sa Mindanao,” dagdag niya.

Ayon kay Tulfo, nakausap na niya si Acting Senate President Sherwin Gatchalian at sinabi niyang handa ang majority bloc na tumulong sa mga biktima ng lindol.

Ang Gatchalian-led bloc ng Blue Ribbon Committee ay nagsagawa ng “consultative meeting” para sa muling pag-oorganisa ng panel. Kabilang sa mga inimbitahan ang 18 lalaki na nagsabing dating personnel ng Philippine Marine Corps at umano’y naging courier ng kickbacks sa mga proyekto ng gobyerno, kasama ang kanilang abogado na si Atty. Levi Baligod.

Gayunman, tumanggi silang dumalo sa meeting at nanatili sa Office of Senator Robinhood Padilla para sa isang press conference.

“Maging ang kanilang mga pahayag sa media ay magulo na… Parang optics lang ito para sabihing dumalo sila, pero sa totoo, ayaw nilang pumasok sa hearing kahit ilang beses na silang inimbitahan,” ani Tulfo.

Dagdag naman ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, muling iimbitahan ang grupo sa susunod na hearing at maaari silang ma-cite in contempt kung patuloy na tatanggi. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here