Home NATIONWIDE Giit ni Cayetano, may dalawa nang Senado: PH vs Malakanyang

Giit ni Cayetano, may dalawa nang Senado: PH vs Malakanyang

2
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Senador Alan Peter Cayetano na mayroon nang dalawang mataas na kapulungan, “the Senate of the Philippines and the Senate of Malacañang.”

Ani Cayetano, hindi tinanggap ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian ang kanyang proposal para sa interim setup kung saan pareho silang pipirma ng mga dokumento sa Senado nang walang designation.

“I sent him a letter to talk with [Senate Secretary Rey Bantug], and we offered, if Senator Win would like, that we would both sign [documents] even without designation. But because they don’t like to agree, there are two Senates now. You have the Senate of the Philippines, and you have the Senate of Malacañang,” sinabi ni Cayetano sa isang press conference.

Aniya, ang tugon ni Gatchalian sa kanyang proposal ay paggiit na nagkaroon ng pagpapalit sa liderato.

Sa kabila nito ay sinabi ni Cayetano na si Gatchalian ay hindi Senate president pro tempore dahil sa kakulangan ng quorum nang isagawa ang eleksyon.

Binatikos din ni Cayetano ang meeting na isinagawa ng Senate blue ribbon ng chairperson nitong si Sen. Erwin Tulfo na isang chairmanship na hindi umano kinikilala ng Cayetano bloc.

Tinawag din ng senador ang meeting bilang “the biggest cover-up committee hearing of our generation,” at sinabing layon ng panel sa ilalim ng liderato ni Tulfo, na iabswelto ang matataas na opisyal ng bansa.

Samantala, sinabi ni Cayetano na ang blue ribbon panel sa pamumuno ng kanyang kapatid na si Senador Pia Cayetano, ay “seeking the truth.”

Wala pang tugon sina Tulfo at Gatchalian kaugnay nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here