MANILA, Philippines – NAKATAKDANG pangunahan ngayong umaga ng Martes, Hunyo 9 ang ika-1 28 anibersaryo ng Hukbong Pandagat sa Naval Station Jose Andrada sa Roxas Boulevard sa Maynila.
Alas-9:00 ngayong umaga inaasahan ang pagdating ng Pangulo na kung saan ay sasalubungin ito ng pamunuan ng Hukbong Pandagat at bibigyan ng arrival honors.
Inaasahang mababanggit din ng Pangulo sa talumpati nito mamaya ang ukol sa future-ready at modernized Armed Forces of the Philippines sa gitna ng nagpapatuloy pa ring tension sa.rehiyon partikular sa West Philippine sea.
Matatanfaang, noong nakaraang taong anibersaryo ng Philippine Navy na ginawa sa Naval Operating Base nito sa Subic Zambales ay iginiit ng Pangulo na hindi nito kukunsintihin ang anomang akto ng kawalang respeto sa soberenya ng bansa.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taong ito ay Philippine Navy at 128: Modern and Ready, Strong and Steady, Credible in Mission, Always Mission Ready. KRIS JOSE