Home NATIONWIDE Curlee Discaya, maghahain ng bail petition matapos maaresto sa flood control case

Curlee Discaya, maghahain ng bail petition matapos maaresto sa flood control case

3
0

MANILA, Philippines – Maghahain ng bail petition ang kampo ng contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya II matapos siyang arestuhin kaugnay ng kasong malversation through falsification of public documents, ayon sa ulat.

Giit ng kanyang kampo, nadamay lamang si Discaya sa kaso at hindi siya ang tunay na may-ari o nakikinabang sa St. Timothy Construction Corporation, ang kumpanyang umano’y sangkot sa kontrobersyal na flood control project sa Calumpit.

Ayon sa ulat, inaresto si Discaya habang siya ay nasa Senado kung saan siya dating nakakulong matapos ma-cite in contempt noong Setyembre 2025. Matapos ang pag-aresto, dinala siya sa Bulacan Provincial Jail.

Samantala, sinabi ng kanyang abogado na si Cornelio Samaniego III na handa silang pangalanan ang 150 katao na umano’y sangkot sa flood control scheme.

“Habang almost nine months na siya sa Senate detention facility, isa-isa nare-recall niya lahat kung sino ‘yung mga ‘yun,” ani Samaniego.

“Antayin na lang natin kasi sabi niya papangalanan daw niya,” dagdag niya.

Patuloy ang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control project na kinasasangkutan ng ilang indibidwal. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here