Home NATIONWIDE Bilang ng walang trabaho sa Pinas, bumaba sa 2.41M noong Abril —...

Bilang ng walang trabaho sa Pinas, bumaba sa 2.41M noong Abril — PSA

2
0

MANILA, Philippines – Bumaba sa 2.41 milyon ang bilang ng mga jobless na Pilipino noong Abril mula sa 2.58 milyon noong Marso, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), sa kabila ng inaasahang paghina ng labor market dahil sa krisis sa enerhiya.

Dahil dito, bumaba rin sa 4.7% ang unemployment rate mula 5% noong Marso. Ito ang unang pagkakataon ngayong taon na bumaba sa 5% ang unemployment rate.

Gayunman, tumaas naman ang underemployment o bilang ng mga Pilipinong naghahanap ng dagdag na trabaho o mas mahabang oras ng trabaho upang madagdagan ang kita. Umabot ito sa 7.41 milyon o 15.2% noong Abril mula 6.03 milyon o 12.3% noong Marso.

Ito rin ang pinakamataas na underemployment rate mula Hulyo 2023 na nasa 15.9%.

Bahagyang bumaba ang bilang ng may trabaho sa 48.89 milyon mula 49.07 milyon, ngunit bahagyang gumanda ang employment rate na naging 95.3% mula 95%.

Bumaba rin ang labor force participation rate sa 62.7% o 51.3 milyong Pilipino mula 63.3% o 51.65 milyon noong Marso. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here