WASHINGTON, USA – Kinumpirma ni US President Donald Trump na ligtas at walang sugat ang dalawang piloto matapos ang ulat na bumagsak ang isang US military helicopter malapit sa Strait of Hormuz noong Martes.
Hindi pa malinaw kung ang Apache helicopter ay binaril, nagka-mechanical failure, o may iba pang sanhi ng insidente, ayon sa ulat ng New York Times na binanggit ang dalawang source na may kaalaman sa pangyayari.
“The pilots are fine, yeah. Nobody injured,” ani Trump sa mga mamamahayag bago umalis ng New York matapos dumalo sa NBA Finals game.
Dagdag pa niya, “We are going to issue a report on that tomorrow,” ngunit hindi nagbigay ng detalye sa posibleng dahilan ng insidente.
Samantala, sinabi rin ni Trump na nasa “final throes” na ang negosasyon para sa peace deal sa Middle East matapos ang paghupa ng bagong tensyon sa pagitan ng Iran at Israel na nagbanta ng panibagong paglala ng digmaan. RNT/MND