BENGUET, Philippines – Imbis na mga kaanak ang sumalubong, Warrant Servers ng Police Regional Office Cordillera ang nag-abang sa pagbabalik-bansa ng isang mister na tinaguriang Top 1 Most Wanted Person o TMWP sa kasong Human Traficking na dinakip sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kinilala ang akusado na si John Lerry Armit, 28-anyos na residente ng Los Baños, Laguna na binansagang pangunahing Wanted sa Cordillera Administrative Region.
Batay sa salaysay ng biktima nito, dumating ito sa Phnom Penh noong Enero 5, 2026 at di umano’y sapilitang kinumpiska ang pasaporte nito at ipinasok siya sa isang online scam hub na ang trabaho ay may kaugnayan sa online fraud operation at tuluyang nakatakas noong Enero 11, 2026 na kalaunay nakabalik rin ng Pinas.
Sa bisa ng Warrant of Arrest ay nakakalap ng impormasyon ang mga kapulisan na nasa Cambodia ang suspek na nagbunga ng koordinasyon sa pamunuan ng NAIA dahilan para agaran itong mdakip.
Nahaharap sa kasong qualified trafficking in person na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan ang akusado.
Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. (REY VELASCO)