Home NATIONWIDE Work schedule sa Senado sa Araw ng Kalayaan, ipinalabas ni Cayetano

Work schedule sa Senado sa Araw ng Kalayaan, ipinalabas ni Cayetano

3
0

MANILA, Philippines – Habang mariing iginigiit ang legalidad ng kanyang liderato, nagpalabas si Senate President Alan Peter Cayetano ang advisory nitong Martes sa work schedule ng empleyado ng Senado sa pagdiriwang ng Independence Day sa Biyernes, June 12.

Sa detalyadong kalatas na ipinalabas nitong Martes, sinabi ni Cayetano na susundin ng empleyado ang 8 a.m hanggang 5pm na work schedule kapag pumatak ang anumang holiday sa araw ng Biyernes.

Makikita sa kalatas na ipinalabas ni Cayetano na galing sa “Office of the Senate President,” ipinahayag ang binagong oras ng trabaho.

“In view of the upcoming Independence Day on Friday, June 12, 2026, please be reminded that… the Senate shall automatically implement the 8:00 a.m. to 5 p.m. working hours should a holiday falls on a Friday,” aniya.

Simula nang maupo bilang Senate President Pro-Tempore si Senador Sherwin Gatchalian, iginigiit ni Cayetano ang legalidad ng kanyang pamumuno base sa 1987’ Constitution, Rules of the Senate at Bibliya.

Itinuturing ng kanyang kaalado na illegitimate ang liderato ni Gatchalian. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here