Home NATIONWIDE Housing loan moratorium ipinag-utos ng DHSUD sa quake-hit Mindanao

Housing loan moratorium ipinag-utos ng DHSUD sa quake-hit Mindanao

4
0

MANILA, Philippines – INATASAN ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon Aliling ang mga key shelter agencies (KSAs) na simulan ang pagpapatupad ng moratorium sa housing amortization para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Alinsunod aniya ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agarang maghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng magnitude 7.8 earthquake na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ani Aliling, inatasan niya ang KSAs ng departamento gaya ng Pag-IBIG Fund, National Housing Authority (NHA), Social Housing Finance Corporation (SHFC), and National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC)— na magsagawa na kinakailangang hakbang para sa pagpapatupad ng moratorium on housing loan amortization para sa mga kuwapikadong apektadong benepisaryo.

Ia-anunsyo naman sa madaling panahon ang alituntunin ng bawat KSAs sa implementasyon ng moratorium at sakop nito.

Maliban sa moratorium on housing amortization, agad namang magde-deploy ang Pag-IBIG Fund at NHA ng teams para tulungan ang mga biktima ng lindol.

Dalawang Pag-IBIG on Wheels Mobile Branches ang idedeploy sa General Santos City at Dipolog City para tulungan ang mga aepktadong miyembro, habang ang NHA teams ay dineploy para magsagawa ng ground assessments para agad na iproseso ang emergency shelter assistance.

““Sa panahon ng sakuna, importanteng mabawasan ang alalahanin ng ating mga kababayan. Ang prayoridad ay ang kanilang kaligtasan,” ang sinabi ni Aliling.

Sa kabilang dako, inatasan naman ni Aliling ang Regional Offices na i- activate ang kanilang shelter clusters upang matiyak ang kahandaan at mapabilis ang agarang paghahatid ng shelter-related interventions kapag ang situwasyon ay nangailangan ng karagdagang mga hakbang sa pagtugon.

Ang panawagan ay para sa mahigpit na koordinasyon kasama ang local government units, the Office of Civil Defense (OCD), the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), at iba pang ahensiya na i-assess ang pinsala sa mga bahay at tukuyin ang mga pamilya na nangangailangan ng agarang shelter assistance.

Inatasan din ni Aliling ang DHSUD Regional Office XII na magsagawa ng mabilis na ground assessment ng apektadong komunidad, partikular sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

“Patuloy tayong nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno upang matiyak na agad nating matugunan ang pangangailangan lalo na sa aspeto ng pabahay nang mga pamilyang apektado ng lindol,” aniya pa rin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here