Home NATIONWIDE Inang bibisita sa anak sa selda, kulong sa shabu

Inang bibisita sa anak sa selda, kulong sa shabu

2
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang 51-anyos na babae matapos umanong makuhanan ng sachet ng hinihinalang shabu habang bibisita sana sa kanyang anak na nasa kustodiya ng Cebu City Operation Second Chance nitong Lunes, Hunyo 8, 2026.

Kinilala ang suspek bilang isang vendor at person with disability (PWD) na residente ng Sitio Bato, Barangay Ermita, Cebu City.

Batay sa imbestigasyon ng Guadalupe Police Station, nakatakda sanang bisitahin ng babae ang kanyang 16-anyos na anak na isang Child in Conflict with the Law (CICL) na kasalukuyang nasa ilalim ng pangangalaga ng Operation Second Chance.

Gayunman, sa isinagawang routine inspection ng mga houseparent bago ang pagbisita, nadiskubre umano ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakatago sa loob ng kanyang bra.

Dahil dito, agad na pinigilan ng pamunuan ng Operation Second Chance ang babae at humingi ng tulong sa mga pulis ng Guadalupe Police Station.

Sa panayam ng DYSS Super Radyo GMA, iginiit ng suspek na nakalimutan lamang umano niyang may nakatagong sachet sa kanyang panloob.

Aminado rin siyang para sa kanyang personal na paggamit ang nasabing ilegal na droga.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here