LAGUNA, Philippines – Apat katao na hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot ang nahuli matapos na makumpiskahan ng ilegal na droga na nagkakahalaga Php 1.9 milyon sa isinagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite at Quezon.
Ang apat na suspek na kapwa naaresto sa Dasmariñas Cavite makaraang makuhanan ng humigit kumulang sa 200 gramo ng hinihinalang Shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php 1,360,000.00 (Standard Drug Price) na nakilala sa mga alyas “Monyo ” 31, alyas ” Ryan” 24, at aluas ” Angelica” 20, pawang residente ng Barangay Paliparan III Dasmariñas City Cavite.
Samantalang ganap na alas-12:30 ng madaling – araw (June 9, 2026) nang maaresto ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit ang suspek na si alyas ” Mich ” 51, nakatira sa Sitio Puting Buhangin Barangay Cotta sa lunsod ng Lucena Quezon matapos makumpiskahan ng more or less 87 grams ng hinihinalang Shabu na may Standard Drug Price na halagang Php 591,600.00.
Napag- alaman na ang apat na suspek na kapwa kabilang sa talaan ng pulisya na mga High Value Individual (HIV) at kapwa nahaharap sa kasong RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 ay nasa kustodiya ng pulisya.
Ayon kay PBGen Hansel M. Marantan, Regional Director ng Police Regional Office 4A, patunay ang operasyong ito ng patuloy na dedikasyon ng Philippine National Police sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na komunidad.
“Ang ating mga tagumpay laban sa iligal na droga ay patunay na epektibo at nagbubunga ang mga programang ating ipinatutupad upang sugpuin ang kriminalidad at mapababa ang insidente ng 8 Focus Crimes sa ating mga komunidad.” ayon kay PBGen Marantan. /Ellen Apostol