Home METRO Tulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao, umabot sa P21.378M –...

Tulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao, umabot sa P21.378M – DSWD

3
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakapagbigay na ito ng mahigit P21.378 milyon na humanitarian aid sa mga pamilya at indibidwal na naapektuhan ng kamakailang 7.8-magnitude na lindol na tumama sa lalawigan ng Sarangani at iba pang lugar sa Mindanao, noong Hunyo 10, 2026  alas 6:00 ng umaga ayon sa ulat.

Ayon kay Director Maria Isabel Lanada ng Disaster Response Management Bureau (DRMB) ng DSWD na ang Kagawaran ay nagpapatuloy sa kanilang disaster relief operations at ginagamit ang lahat ng mapagkukunan upang tulungan ang lahat ng apektadong pamilya at indibidwal.

“Lahat po ng maaaring ibigay at i-deploy para makapagbigay ng ginhawa sa mga kababayan natin na lubos na naapektuhan ay ginagawa natin. Walang dapat maiwan, walang hindi mabibigyan ng tulong. ’Yan po ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Secretary Rex Gatchalian at sa buong DSWD,” sabi ni Director Lanada ngayon Miyerkules.

Batay sa pinakahuling ulat ng Disaster Response Operations Monitoring, Information, and Communication (DROMIC), may kabuuang 15,930 family food packs (FFPs), mahigit 4,000 ready-to-eat food (RTEF) boxes, at iba pang non-food items ang naipamahagi sa mga apektadong pamilya.

Kaugnay nito sa pagbisita ni Secretary Gatchalian sa Mindanao noong Hunyo 8-9, tiniyak ng DSWD na lahat ng kinakailangang tulong, kabilang ang tulong pinansyal, ay maibibigay.

As of press time, Php4.76 million na cash aid sa ilalim ng DSWD’s Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ay naipamahagi na sa mga nasugatang pasyente, naulila na pamilya, at iba pang apektadong indibidwal.

Mobile Command Centers (MCCs) ng DSWD’s Field Offices 9 – Zamboanga Peninsula, 11-Davao Region, at 12-SOCCSKSARGEN ay naka-deploy din sa ground para magbigay ng walang patid na kritikal na impormasyon at pinagmumulan ng power supply at internet connection sa mga apektadong lugar.

Samantala inihahain din ang mga masusustansyang mainit na pagkain sa pamamagitan ng mobile kitchen ng FO 12.

“Sa mga ganito pong panahon, mahalaga na maalala natin ang mga apektadong lokal na pamahalaan at maihatid natin ang lahat ng kailangan ng mga apektadong residente. Hindi rin po titigil ang DSWD, kasama ng iba pang ahensya ng gobyerno at mga pribadong sektor, hangga’t hindi nakababangon muli ang mga kababayan natin,” sabi ng opisyal ng  DRMB.

Sa kasalukuyan, ang DSWD ay nagpapanatili ng Php839.43 milyon sa standby funds at higit sa 4.8 milyong FFP na nakalagay sa iba’t ibang bodega sa buong bansa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here