Home NATIONWIDE Mike Defensor, ‘di sumipot sa patawag ng NBI

Mike Defensor, ‘di sumipot sa patawag ng NBI

4
0
Nagtungo sa NBI si dating mambabatas na si Mike Defensor at Atty. Ferdinand Topacio nitong Huwebes, Marso 12, kasunod ng subpoena na inisyu laban sa kanya kaugnay ng mga alegasyon ng 18 ex-Marines. Cesar Morales

MANILA, Philippines – Hindi dumalo ang dating kongresista na si Mike Defensor sa National Bureau of Investigation (NBI) noong Miyerkules sa kabila ng ipinadalang subpoena laban sa kanya.

Sa halip, ang kanyang abogado na si Ferdinand Topacio ang humarap sa NBI. Sinabi ni Topacio na hindi na nila susundin ang anumang susunod pang subpoena at hinikayat ang NBI na magsampa na lamang ng kaso kung may nakikita itong paglabag.

Ayon sa abogado, kung may isinasagawang imbestigasyon para sa posibleng kriminal na kaso laban kay Defensor, dapat na lamang itong dalhin sa korte. Aniya, handa silang depensahan ang kanilang sarili kung magkakaroon ng kaso, ngunit naniniwala silang ang mga subpoena ay ginagamit lamang upang gipitin o i-harass ang kanyang kliyente.

Sinabi rin ni Topacio na ang mga alegasyon ng pagtanggap ng pera kapalit ng pabor ay dapat patunayan sa tamang hukuman.

Ayon sa ulat, ang subpoena ay may kaugnayan umano sa 18 dating bodyguards ni Zaldy Co at hindi sa alegasyong nangako si Defensor ng ₱5 milyon sa mga ito.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na may impormasyong natanggap ang ahensya na umano’y binayaran ni Defensor ang 18 katao upang magsabi ng mga paratang na may ilang personalidad na tumanggap ng pera mula kay Co.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang NBI tungkol sa hindi pagdalo ni Defensor.

Ang 18 indibidwal na ito ay hindi rin dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa flood control scandal noong Lunes. Sa halip, nagtungo sila sa tanggapan ni Senator Robin Padilla.

Nagbabala naman si Senator Risa Hontiveros na maaaring maharap sa subpoena at show-cause orders ang mga ito dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig na pinamumunuan ni Senator Erwin Tulfo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here