Home NATIONWIDE Comelec, handa sa halalan sa Mindanao sa kabila ng lindol

Comelec, handa sa halalan sa Mindanao sa kabila ng lindol

4
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na handa itong magtayo ng mga pansamantalang polling site sa Mindanao para sa nalalapit na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections at Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) elections, kung sakaling hindi magamit ang mga paaralan dahil sa naganap na 7.8-magnitude na lindol.

Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, kasalukuyang sinusuri ng Comelec ang kondisyon ng mga paaralang gagamitin bilang voting centers.

“Maaaring dagdag na gastos ito, pero sa aming palagay sapat naman yung budget sa Bangsamoro at Barangay at SK elections,” ayon kay Garcia.

Dagdag pa niya, maaaring ilagay ang makeshift polling sites malapit sa mga nasirang paaralan o sa bukas na bahagi ng mga ito upang hindi mahirapan ang mga botante.

“Kasi pag nilipat natin sila, No.1 kailangan natin silang i-notify, No. 2 paano ang iba naglalakad lang papunta sa paaralan, pag lumipat kami ng ibang lugar, baka kasi sasakay sila at hindi na lang sila boboto, ayaw nating mangyari yung ganun,” dagdag ni Garcia.

Ayon sa Comelec, tuloy pa rin ang paghahanda para sa BARMM elections sa Setyembre 14, at magsisimula na rin ang pag-imprenta ng 2.3 milyong balota sa katapusan ng Hunyo.

Idinagdag din ng Comelec na walang nasira o napinsala na opisina.

“Pagkatapos na pagkatapos ng lindol ay nag-follow up  tayo sa mga tauhan sa field, lalo  na yung kalagayan nila at siyempre’yung ating opisina at mga kagamitan”. ani Garcia.

Bukod diyan ay wala ring nasaktan sa kanilang mga tauhan at walang damage ang kanilang mga opisina pero mayroong lamang mga pagtaob ng kanilang mga cabinet.

“Aside from that , wala po wala pong na walang mga dokuemnto intact ang lahat”, dagdag pa ni Garcia. Jocelyn Tabangcura Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here