Home HOME BANNER STORY Congestion sa kulungan sa Pinas, bumaba sa 200% — BuCor

Congestion sa kulungan sa Pinas, bumaba sa 200% — BuCor

4
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), bumaba na sa 200% ang congestion rate sa mga kulungan sa Pilipinas mula nang magsimula ang administrasyong Marcos.

“I’m four years’ time, na-decongest na natin [ang mga kulungan]. Dati, 300 to 350 [percent]. Ngayon, 200% na lang yung congestion,” sabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. sa isang panayam.

Ibig sabihin, mas mababa na ang siksikan kumpara dati na umaabot umano sa 300% hanggang 350%.

Ayon sa BuCor, isa sa mga dahilan ng pagbaba ay ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) program kung saan nababawasan ang sentensiya ng mga persons deprived of liberty (PDLs) dahil sa mabuting asal, pag-aaral, at trabaho.

“As of now, as of last count, 32,000 na tayo. And then, ang target ko every year, mga 10,000 kada isang taon na papalayain,” dagdag ni Catapang.

Kasabay nito, patuloy din ang pagpapagawa ng bagong pasilidad sa Palawan, Nueva Ecija, at Laguna para makatulong sa decongestion.

Plano rin ng BuCor na magtayo ng 13 regional facilities at karagdagang pasilidad para sa mga nakasuhan ng mabibigat na krimen.

Sa kasalukuyan, ang BuCor ay may operasyon lamang sa 5 sa 19 rehiyon sa bansa, kabilang ang NCR, MIMAROPA, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, at Davao Region.

Dagdag pa ng ahensya, kailangan pa nilang magtayo ng presensya sa iba pang rehiyon gaya ng Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Western at Central Visayas, Negros Island Region, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Caraga, at BARMM.

Nagsimula na rin ang BuCor sa pagtatayo ng Super Maximum Facility sa Sablayan, Occidental Mindoro. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here