Home NATIONWIDE 16 computers ng DPWH Bulacan officials sa flood control anomaly, sinusuri ng...

16 computers ng DPWH Bulacan officials sa flood control anomaly, sinusuri ng NBI

6
0

MANILA, Philippines – Sinusuri ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 16 na computer ng mga suspendidong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st District Engineering Office bilang bahagi ng imbestigasyon sa umano’y iregularidad sa flood control projects.

Ayon sa state prosecutors, patuloy ang forensic examination ng NBI sa mga computer na ito na may kaugnayan sa malawakang flood control mess probe.

“I understand the [NBI] examination is ongoing,” ayon sa isang miyembro ng prosecutorial team.

Tinalakay rin sa pagdinig ng Sandiganbayan Third Division ang testimonya ni Ma. Jaynevive Ortiz Luis, supply officer ng DPWH Bulacan 1st DEO. Ayon sa kanya, isa sa mga computer ay nakatalaga kay Carlo Rivera, dating tauhan ng ex-DPWH Bulacan district engineer na si Henry Alcantara.

Si Rivera ay naunang nagsabi sa korte na siya umano ang nagdadala ng kickbacks mula sa mga contractor patungo kay Alcantara, na tinatayang umaabot ng “around 50 times,” na may halagang ₱2 milyon hanggang ₱10 milyon bawat transaksyon.

Layunin ng kanyang testimonya na maipakita ang chain of custody ng mga computer na sinisiyasat.

Ayon sa mga prosecutor, magpapatuloy pa ang pag-testigo ng NBI computer forensic officer sa mga susunod na pagdinig.

Samantala, hindi pa matukoy kung may listahan ng mga proyekto o proponents na nasa loob ng mga computer.

“That we have to see,” ayon sa prosecutor. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here