Home TOP STORIES Iran “too long to negotiate and have to pay” – Trump

Iran “too long to negotiate and have to pay” – Trump

6
0

WASHINGTON, USA – Sinabi ni US President Donald Trump na “Iran has taken too long to negotiate” at ngayon ay “have to pay the price,” kasunod ng panibagong palitan ng missile at drone strikes sa pagitan ng US at Iran.

Ayon sa ulat, naglunsad ang Iran ng missile at drone attacks sa mga base ng US sa Jordan, Kuwait, at Bahrain bilang ganti sa mga naunang US strike sa mga target ng Iran malapit sa Strait of Hormuz.

“Iran is all talk and no action,” sabi ni Trump sa social media. “They’ve taken too long to negotiate a deal that would have been great for them, now they will have to pay the price!!!”

Sinabi naman ng US military na tinarget nila ang Iranian air defenses, radar sites, at ground control stations bilang “proportional response” matapos umano ma-down ang isang US Apache helicopter. Ayon sa US, nailigtas ang dalawang crew nito.

Ayon sa Iran, gumanti sila sa pamamagitan ng pag-atake sa US bases sa Bahrain, Kuwait, at Jordan gamit ang drones at missiles, at handa pa silang maglunsad ng mas mabigat na sagot kung may panibagong US attack.

Iniulat ng US at mga kaalyado sa Middle East na na-intercept ang karamihan sa missiles at drones, at walang agad na ulat ng malaking pinsala o casualty sa US bases.

Ayon sa Iran Foreign Ministry, rerepasuhin nila ang diplomatic engagement sa US dahil sa umano’y patuloy na ceasefire violations.

“Any diplomatic process requires a minimum stable environment,” ayon kay Esmaeil Baghaei.

Samantala, iniulat din na tumaas ang presyo ng langis ng humigit-kumulang 2% at bumagsak ang merkado dahil sa tensyon.

Ayon sa mga ulat, patuloy pa rin ang ilang diplomatic efforts sa pamamagitan ng Qatar, pero nananatiling malayo ang posibleng kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.

Ang sitwasyon ay nagdudulot ng matinding pag-aalala dahil sa patuloy na paglala ng tensyon sa rehiyon, lalo na sa paligid ng Strait of Hormuz na mahalagang daluyan ng pandaigdigang langis at gas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here